top of page

Ang araw-araw nating laban!



"Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito." Efeso 7:12

Tayo ay palaging nasa isang laban na hindi natin nakikita ngunit totoo.

Hindi nga natin maisip kung ano ang binabalak ng mga masasamang espiritu laban sa atin araw at gabi. Ang intensyon nila ay para tapusin ang buhay natin, ang bigyan ng kahihiyan ang Pangalan ni Hesus at dalhin ang kaluluwa natin sa impyerno.


Kaya darating ang mga hindi inaasahan sitwasyon:

Problema sa pinansyal, buhay mag-asawa, pamilya, kalusugan...

O kadalasan kabaliktaran ang nangyayari, ang mga bagay-bagay ay para bang pagpapala, pinupuno ng kasiyahan ang puso at ginagawang relax ang ating pananampalataya at komunyon sa Diyos. Ang lahat ng ito ay estratehiya ng masama, para labanan tayo.


Kung gayon, paano ba natin ito malalabanan?


“Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.
Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot nʼyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot nʼyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin nʼyo bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal.” Efeso 6:13-19

Tandaan na tuso kung kumilos ang diyablo at inaabangan niya tayo na maging distracted at mahina, saka siya aatake.


Binalaan tayo ng Panginoong Hesus:

"Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring kahirapan, at makatayo kayo sa harap ko na Anak ng Tao nang hindi napapahiya.” Lucas 21:36

Nawa'y tulungan tayo ng Diyos!


Pastor Alessandro Silva

댓글


bottom of page