top of page

Ang Buhay kasama ang Diyos



Kamakailan lang, Iniisip at hinihiling ko sa Diyos na maunawaan ko kung paano ba nanatili sa pananampalataya ang mga bayani noon, dahil sa panahon ngayon ang mas mahirap ay hindi ang magkaroon ng pananampalataya kundi ang panatilihin ang pananampalataya, ang panatilihin ang sariling kaligtasan. Ano ba ang sikreto ng mga lalaki ng Diyos na ito na hindi lumihis sa pananampalataya?


“Nakaugalian na ni Moises na itayo ang Tolda malayo sa kampo. Ang Toldang itoʼy tinatawag na “Toldang Tipanan.” Pumupunta sa Toldang ito ang sinumang gustong malaman ang kalooban ng PANGINOON. Sa tuwing papasok si Moises sa Tolda, tumatayo ang mga tao sa pintuan ng mga tolda nila. Tinitingnan nila si Moises hanggang sa makapasok siya sa Tolda. At habang naroon si Moises sa loob, bumababa ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda habang nakikipag-usap ang PANGINOON sa kanya. At kapag nakita ng mga tao ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda, tumatayo sila at sumasamba sa PANGINOON sa may pintuan ng tolda nila. Kapag nakikipag-usap ang PANGINOON kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. Pagkatapos, bumabalik si Moises sa kampo pero ang binata niyang lingkod na si Josue na anak ni Nun ay nananatili sa Tolda.” Exodus 33:7-11

Kahit na si Moises ay isang tao na may maraming responsibilidad at pinuno ng isang bansa, kahit na ang lahat ay kailangan niyang resolbahan (dahil ang lahat ng nangyayari ay kailangan dumaan sa kanya), tingnan ang ginawa niya.


Nagtayo siya ng isang tolda malayo sa kampo ng lungsod at malayo sa lahat upang mapag-isa kasama ang Diyos at doon nakikipag-usap ang Diyos sa kanya. May panahon si Moises kasama ang Diyos, inilalaan niya ang oras na iyon upang pakainin ang ugnayan niya sa Ama.


Ang dahilan kung bakit karamihan ng tao ay nanghihina sa kanilang pananampalataya, pumapalya sa kanilang mga laban, kaya nawala ang kanilang kaligtasan, ay dahil wala silang buhay kasama ang Diyos.

Sila ay nakikiparte sa mundong ito at wala silang relasyon sa Diyos, wala silang panahon kasama ang Diyos, o (kung mayroon man noon) wala na ngayon. Ang totoo, ganito ang nangyari sa ilang mga tao na kasama natin noon at ngayon wala na, dahil ginawa nila ang lahat ng autopilot.


Ang tumutulong sa atin na magpatuloy ay hindi ang trabahong ginagawa natin, hindi ang pagpunta sa simbahan, kaalaman sa Bibiliya, at iba pa. Ngunit ang buhay natin kasama ang Diyos, ang matibay na relasyon natin sa Kanya.


Kung gagawin natin kung ano ang ginawa ng mga lalaki noon, at uunahin ang komunyon sa Diyos araw-araw, na kahit ang Panginoong Hesus ay ginawa (at kung ito ay para sa Kanya, tiyak na para rin sa atin), tayo ay mananatiling matatag sa pananampalataya, hanggang wakas!!!


Nang panahong iyon, pumunta si Jesus sa bundok at magdamag siyang nanalangin doon. Kinaumagahan, tinawag niya ang mga tagasunod niya at pumili siya ng 12 mula sa kanila, at tinawag niya silang mga apostol…” Lucas 6:12-13

Bishop Edir Macedo

Comments


bottom of page