Nagbago na ang panahon, ngunit hindi dapat mawala sa atin ang pinakakahulugan ng pagiging kristiyano.
Noon, Ang maging isang Kristiyano ay nangangahulugan na mawawala sayo ang lahat. Ang manindigan sa pananampalataya sa Panginoong Hesus ay agad na nagiging dahilan ng pagdurusa, pagpapahiya, pag-uusig, pang-iinsulto mula sa mga hindi naniniwala, pati narin ang pagkawala ng pag-aari, pagkakulong, pagpapahirap, kahit ang kaharapin ang kamatayan.
Ang mamatay dahil sa pananampalataya sa Panginoon Hesus ay isang karangalan.
Noong ipinako si Pedro sa krus, hiningi niyang gawin ito ng nakabaligtad. Ito ay dahil iniisip niya na hindi siya karapatdapat na ipako tulad ng pagpako sa Panginoong Hesus.
Ang mga Kristiyano ay masayang pahirapan at magdusa alang-alang sa kanilang pagmamahal sa pananampalataya. Tulad ng nakasulat sa Banal na Kasulatan:
“Ang iba naman ay dumanas ng mga panlalait at panghahagupit dahil sa pananampalataya nila, at ang iba ay ikinadena at ibinilanggo. Pinagbabato ang iba hanggang sa mamatay, ang iba naman ay nilagari hanggang mahati ang katawan nila, at mayroon ding pinatay sa espada. Ang ilan sa kanila ay nagdamit na lang ng balat ng tupa at kambing. Naranasan nilang maghikahos, usigin at apihin. Nagtago sila sa mga ilang, mga kabundukan, mga kweba at mga lungga sa lupa. Hindi karapat-dapat ang mundong ito para sa kanila.” Hebreo 11:36-38
Sa oras na ibinigay ng isang tao ang kanyang buhay sa Panginoong Hesus at tinanggap ang pananampalataya sa Kanya, ang totoo, sila ay namamatay sa mundong ito habang ang kanilang buhay ay nakatago sa Kanya.
Ang buhay nila dito sa mundo ay wala nang saysay, maliban na lamang sa paglilingkod sa Diyos at gawin ang kalooban Niya.
“Sapagkat namatay na kayo sa dati n’yong buhay, at ang buhay ninyo ngayon ay nakatago sa Dios kasama ni Cristo.” Colosas 3:3
Lumalapit ka ba sa Panginoong Hesus na handa na mawalan ng lahat o lumalapit ka sa Kanya para lang matanggap ang lahat?
Anong uri ng pananampalataya ang mayroon ka?
Mayroon ka bang pananampalataya na mawalan?
Kapag nakikiisa tayo sa Banal na Hapunan, habang kinakain natin ang tinapay at umiinom mula sa kopa, ipinapahayag natin ang tipan sa Panginoon Hesus.
Ang ibig sabihin ng kopang ito ay manindigan sa Pananampalataya, maging handa na magdusa, mawalan at kahit ang mamatay dahil sa buhay na nakabase sa Kanyang katuruan.
Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal.” Mga awit116:15
Ang pang-unawang ito ay hindi maaaring sa salita o kaalaman lang, ngunit dapat itong maging bahagi ng ating buhay.
Dapat tayong mamuhay na totoong Kristiyano.
Bishop Eduardo Bravo
Комментарии