Ang Narsisismo ay ang pagmamahal ng isang indibidwal sa sarili o sa kanyang sariling imahe.
Ito ang pagkahumaling sa sariling katawan, at ginagamit ang sekswalidad para makatanggap ng paghanga, atensyon at likes, at ng sa gayon ay maramdaman na iniidolo sila.
Ito ang mga taong mahal na mahal ang sariling imahe at wala nang gustong makilala pang iba, at gustong-gusto na gamitin ang mga salitang "love yourself o mahalin ang sarili" na ang ibisabihin ay "idolize yourself o idolohin ang sarili". Ang kanyang paboritong libangan ay: mag-selfie na pinapahalagahan ang katawan at kagandahan.
Isa itong propesiya!
"Ngunit unawain mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kapighatian. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapanlait, suwail sa mga magulang, mga walang utang na loob, walang kabanalan,"(2 TIMOTEO 3:1-2)
Ang narsisismo ay nauuso na ngayon. Mag-ingat!
Comments