top of page

Ang 'Pag-aakusa' ay ang pangunahing trabaho ng diyablo



Ang magduro ng daliri sa isang tao at mag-akusa ng walang dahilan ay ang pangunahing trabaho ng diyablo. Ito ay isang armas ng masama para wasakin ang tao. Kaya, ang akusahan ang isang tao sa isang bagay ay maaaring makasira sa kanya, lalong lalo na kung hindi ito totoo. Maraming tao ang nawalan ng reputasyon dahil sila ay naging target ng kasinungalingan at paninirang-puri. At ang isang kasinungalingan na pinaulit-ulit ay nagiging totoo sa isipan ng mga tao.


At ano naman ang nararamdaman ng mga taong inaakusa? Kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan, alam ng diyablo na siya ay nagkasala. Iniisip ng lahat na siya ay maayos, ngunit ang totoo wala siyang kapayapaan dahil sa mga akusasyon. Gaano karaming tao ang naghahanda para sa sandaling matuklasan na sila ay nagkakamali, maaari silang maglaho? Ilang mga tao ang namumuhay ng ganito, nang walang kapayapaan, at kailangan magpanggap 24 oras dahil may nag-aakusa sa kanilang konsensya?


Ang Salita ng Diyos mismo ay may punto sa pag-iwan sa atin ng isa sa Sampung Utos: “Huwag kang sumaksi sa maling patotoo laban sa iyong kapwa”. Kaya, ano ang dapat maging depensa nating lahat na namumuhay sa mundong ito kung saan ang akusasyon ay naging laro at kung saan ang media ay ginagamit ang kapangyarihan para akusahan ang isang tao at hatulan bago pa man malaman ng mga abogado kung anong nangyayari? Ano ang dapat nating gawin?


Kailangan mong malaman ang kaibahan ng akusasyon at paghatol. Maging maingat sa paniniwala sa anumang kwento at anumang paratang na ginawa laban sa isang tao. At bantayan ang iyong pag-huhusga, antayin mong ipakita ng Diyos sa iyo ang katotohanan. Tulad ng sinabi ng Panginoong Hesus: “Sapagka’t walang bagay na nakatago na hindi mahahayag.”


Pangalawa, kailangan mong siguraduhin na palaging malinis ang iyong konsensya, nasa katuwiran sa harap ng Diyos, dahil anumang dahilan na ibibigay mo, gagamitin ito ng masama laban sayo.


At pangatlo: ang diyablo, ang akusador ay sinungaling rin. Gagamitin niya ang mga salita para akusahan ka at magdala ng masasamang kaisipan. Kaya, kailangan nating salain ang anumang pinapasok natin sa ating isipan. Dapat nating siguraduhin kung ano ang gusto natin, kung sino tayo, sa Diyos na ating pinaglilingkuran at ng sa gayon ay makontra natin ang lahat ng mga paratang na dumarating laban sa atin, sa ating isipan.


Alalahanin kung ano sinabi ng Panginoong Hesus sa taga-Roma 8:1: “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus."



Bishop Renato Cardoso

Comments


bottom of page