Sinuway ni Saul ang Panginoon at pinukaw nito ang Kanyang galit. Nawa’y ang mga verse na ito ay magdala ng takot sa lahat ng mga taong magbabasa.
"Sinabi ni Samuel, “Tumigil ka! Pakinggan mo ang sinabi ng PANGINOON sa akin kagabi.” “Ano iyon?” Tanong ni Saul. Sinabi ni Samuel, “Kahit na maliit ang tingin mo sa sarili noong una, pinili ka pa rin ng PANGINOON na maging hari ng buong lahi ng Israel." 1 Samuel 15:16-17
Pinaalala ng Diyos kay Saul kung ano siya noon, tulad rin ng pagpapaalala Niya sa atin kung paano tayo dumating sa simbahan na pakiramdam ay ang pinakalugmok sa lahat ng tao, at binago Niya tayo, pinagpala at binasbasan upang paglingkuran Siya.
“Pero bakit hindi ka sumunod sa PANGINOON? Bakit dali-dali ninyong sinamsam ang mga ari-arian nila? Bakit mo ginawa ang masamang bagay na ito sa PANGINOON?” 1 Samuel 15:19
Ang mga samsam ay binubuo ng anumang bagay na maaaring makuha, at ang tao ang humuhusga kung ano ang mahalaga at kung ano ang kapaki-pakinabang. Marami ang sumasamsam ng mga ari-arian at ginagalit ang Kataas-taasang Diyos sa kasuklam-suklam na paraan, kaya sila ay pinatalsik sa kanilang ministeryo.
"Ang pagsuway sa PANGINOON ay kasinsama ng pangkukulam at ang katigasan ng uloʼy kasinsama ng pagsamba sa mga dios-diosan. Dahil sa pagsuway mo sa salita ng PANGINOON, inayawan ka rin niya bilang hari." 1 Samuel 15:23
Sinuway ni Saul ang Salita ng Diyos. At ngayon may nakikita rin tayong mga pastor at mga asawa ng pastor na sinusuway ang Salita ng Diyos, nagrerebelde laban sa mga binasbasan Niya, tulad ni Korah, Dathan at Abiram, bilang ito ang kaso sa Angola ngayon.
"Pero sinabi ni Samuel, “Hindi ako sasama sa iyo. Dahil sa pagsuway mo sa PANGINOON, ayaw na niya sa iyo bilang hari ng Israel.”Nang patalikod na si Samuel para umalis, hinawakan ni Saul ang laylayan ng damit niya at napunit ito. Sinabi ni Samuel sa kanya, “Inalis na sa iyo ngayon ng PANGINOON ang kaharian ng Israel at ibinigay ito sa iba – sa isang tao na mas mabuti kaysa sa iyo." 1 Samuel 15:26-28
Dito narinig ni Saul ang tunog ng punit ng kanyang paghahari. Kaming mga pastor ay mayroong paghahari (ministry), kung saan, kapag ginawan ng kadayaan at pagsuway, hahantong ito sa pagbali sa komunyon sa Kataas-taasang Diyos. Nawa’y kaawaan tayo ng Diyos nang hindi natin kailanman marinig ang tunog ng punit nito.
"Nang panahong iyon, sinabi ng PANGINOON kay Samuel, “Hanggang kailan ka magdadalamhati para kay Saul? Inayawan ko na siya bilang hari ng Israel. Ngayon, punuin mo ng langis ang iyong sisidlan na sungay, at pumunta ka kay Jesse sa Betlehem. Pinili ko ang isa sa mga anak niya na maging bagong hari.” 1 Samuel 16:1
Sobrang nakalulungkot na mawalan ng kasama sa laban, gayunpaman, ipinapakita dito sa atin ng Panginoon na hindi sila ang tumatalikod, kundi ang Diyos ang umaayaw sa kanila at ang naghahanda ng mas mabuti para paglingkuran Siya mula ngayon.
Ngayon, isipin mo ang isang tao na noo’y ginamit ng Diyos ng halos buong buhay niya, pero sa dulo ay isa lang palang asno ng Baalam at inayawan ng Diyos, na sinasabing:
"...‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’" Mateo 7:23
Bishop Sergio Corrêa
Comments