Pagkatapos, pumunta si Propeta Shemaya kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na tumakas sa Jerusalem dahil sa takot kay Shisak. Sinabi ni Shemaya sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Itinakwil nʼyo ako, kaya ngayon, pababayaan ko kayo kay Shisak.” Nagpakumbaba ang hari at ang mga pinuno ng Israel. Sinabi nila, “Matuwid ang Panginoon!” Nang makita ng Panginoon na silaʼy nagpakumbaba, sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Shemaya, “Dahil nagpakumbaba sila, hindi ko sila lilipulin at hindi magtatagal ay palalayain ko sila. Pero ipapasakop ko sila sa kanya para matutuhan nila na mas mabuti ang maglingkod sa akin kaysa sa paglingkuran ang mga makalupang hari.” 2 Cronica 12:5-8 ASND
Muling hindi nagtiwala at sumunod ang Israel sa kalooban ng Diyos. Dahil dito, sila ay nanatili sa kamay ni Shisak - hari ng Egipto - na sumakop at kumuha sa lahat ng Israel.
Mapapansin na noong ipinaalam ng propeta sa bayan ng Israel ang dahilan kung bakit sila nasakop, sila ay nagsisi at nagpakumbaba sa Diyos. Gayunpaman, hindi sila nakatakas sa bunga ng kanilang pagsuway.
Pinatawad sila ng Diyos at binigyan ng kasiguraduhan na palalayain sila, ngunit hinayaan Niya ang mga tao na maglingkod kay Shisak sa maikling panahon, para nang sa ganun makita nila ang PAGKAKAIBA ng mga naglilingkod sa KANYA at naglilingkod sa mga hari at mga kahiraan nitong mundo!
Walang ibang paraan! Banal o marumi, tapat o hindi; Makikita ng lahat ang PAGKAKAIBA ng paglilingkod sa Diyos o sa ibang tao sa kanilang buhay!
Bishop Guaracy Santos
Comments