"Wala sa sinasabi ko ang makapagbibigay katwiran sa ginawa ko" ang isa sa mga pinakainuulit-ulit na salita nitong nagdaang panahon. Para bang galing sa isang taong totoong nagsisisi at pakumbabang pinipili na hindi na ipaliwanag ang sarili dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawa niyang mali. Subalit ano ba ang mali sa mga salitang ito?
Alam nating lahat na kapag tayo ay nagsasalita, nilalabas natin kung ano ang nasa loob natin, kahit na walang saysay ang sinasabi natin, kaya wala, walang kahit na anumang bagay ang nagkataon lang. Kaya sinabi ng Panginoong Hesus:
Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi.” (Mateo 15:11)
Ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi sa tao dahil ito ay galing sa puso. At gaano "ka-husay na masama" ito, na namumuhay ito para linlangin ang iyong sarili. Naiisip mo ba ang pinsala na kayang gawin ng puso sa atin at sa pamamagitan natin pagdating dito?
Kapag nakagawa ang isang tao ng mali at mas piniling hindi "ipagtanggol ang sarili" na gamit pa ang mga salita sa bibliya na ang Diyos ang Siyang magtatanggol sa kanya, sa loob-loob ayaw lang talaga niyang ilantad ang sarili at sabihin kung ano ang nasa loob niya. Ibang bagay ang ipagtanggol ang sarili kapag nagawan ng mali, at iba rin ang magpaliwanag kung bakit ka naging maraya...
Isang karaniwang halimbawa ay kapag may kataksilan. Gusto ng sinumang pinagtaksilan na malaman kung talagang nagsisisi ba ang nagtaksil sa kanya at kaya, kailangan niyang alamin kung ano ang nasa loob ng puso niya. Ngunit ilang mga nagtaksil na ang ginagamit ang pare-parehong katwiran: "Mahina ako", "Nangyari na lahat, ngayon ang kailangan natin ay mag-move on", "Tao lang nagkakamali". Ang hindi niya alam, ang totoo ay binibigyan niya ang sarili ng pagkakataon na magkamali ulit, dahil pagkatapos ng lahat, "mahina" lang siya...
Kapag talagang totoong nagsisisi ang tao, inaamin niya kung saan siya nagkamali. Ang tunay na nagsising taksil, halimbawa, sasabihin ang tulad ng sinabi ni Haring David: "Masama ang ugali ko, hindi ako karapatdapat bigyan ng pangalawang pagkakataon!" At hindi mo lang isasailalim ang sarili sa kakaramput na awa na ibinigay sayo, kundi panghahawakan mo ito ng mabuti.
Subalit sino bang gustong mapahiya? Mas ginugusto nilang magkunwari na "hindi nila sinasadyang" mahulog at magkaroon ng oras para palalimin ang kawalan ng kahihiyan
Mrs. Cristiane Cardoso
Comments