Kahit ang mga pagano ay hindi ginawa ito sa kanilang mga diyos...
May bansa bang nagpalit ng kanilang dios, kahit na hindi ito mga tunay na dios? Pero ako, ang dakilang Dios, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga dios na walang kabuluhan. Nangilabot ang buong kalangitan sa ginawa nila; at nayanig ito sa laki ng pagkagulat. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. “Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga dios, na para bang naghukay sila ng lalagyan ng tubig na natutuyo. (Jeremias 2:11-13)
Tinawag ng Diyos ang kalangitan gaya ng pagtawag Niya sa araw at mga bituin upang saksihan ang kasamaan na dinanas Niya sa sarili Niyang mamamayan.
Dahil ang pag-iwan sa kaluwalhatian na maging kabilang sa Diyos at paglingkuran ang Makapangyarihan sa lahat ay hindi kapani-paniwala at hindi makatwiran, at wala nang maikukumpara pa dito.
Kadalasan, ipinagpapalit ng tao kung ano ang pag-aari nila para sa kung ano ang itinuturing nilang mas mabuti at mas mahalaga. Ang ipagpalit ang kaluwalhatian ng Diyos para sa kaluwalhatian ng mundong ito ay pagtuturing sa Kanya na mas mababa kaysa sa layaw na inaalok ng mundo, at ito ay malinaw na paglalarawan ng pagmamaliit sa kung ano ang Kataas-taasang Diyos.
Wala silang ibang iniwan kundi ang kaluwalhatian ng Diyos. Kahit ang mga pagano ay hindi ginawa ito sa kanilang mga diyos na kumakatawan sa wala at walang ginawa.
Sa madaling salita, ipinagpapalit ng mga tao ang Diyos sa isang bagay na hindi totoo, sa isang bagay na walang halaga. Hindi ba’t ganito din ang nakikita natin ngayon?
Pamilyar sa atin kung ano ang nangyari sa Israel noon, dahil sa mga nagdaang panahon nasaksihan natin ang mga miyembro, assistants, pastors at bishops na nahulog sa patibong ng diyablo at gumagawa ng mali na kahit ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos ay hindi kayang gawin ito.
Paano nagagawa ng isang tao na ipagpalit ang totoo sa hindi? Kapag ang isang tao ay hindi espiritwal ngunit relihiyoso, kaya niyang ipagpalit ang Diyos, ang bukal na nagbibigay buhay para sa isang lagayan ng tubig na natutuyo. Iniiwan nila ang Panginoon para dito na hindi makakatulong sa kanila ni makakapagligtas.
Isang kabaliwan! Tumigil ang taong uminom ng malinis at naiinom na tubig para inumin ang bulok at nilulumot na tubig na papatay sa kanya! Kahit ang kalangitan ay nangilabot sa kahangalang ito.
Nawa’y ang walang hanggang awa ng Diyos ay iligtas tayo mula sa pagkaalipin at panatilihin tayong matatag sa ating pananampalataya hanggang sa wakas.
Bishop Domingos Siqueira
Commentaires