Nang pumasok si Hesus sa Capernaum, isang siyudad ng Israel, may isang kapitan, isang romanong sundalo na responsable sa 100 sundalo. Siya ay isang mahalagang tao sa hukbo ng romano at hindi siya Judio. May isang lingkod na napakahalaga sa kanya na mayroong sakit. Nang marinig niya ang tungkol kay Hesus, hiningi niya sa mga pinuno ng mga Judio na tawagin Siya para pagalingin ang lingkod.
Sinasakop ng Roma ang Israel, na kolonya ng Roman Empire. Ang mga sundalo ay nagmamasid, at kumokulekta ng buwis at bayarin sa mga Judio, ngunti iniibig ng kapitan ang Israel. "Kaya sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa bahay ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo ang tahanan ko. Kaya nga hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sabihin nʼyo na lang po at gagaling na ang utusan ko." (Lucas 7:6 - 7)
Alam ng kapitan ang kapangyarihan ng may kapangyarihan at kaya inilagay niya ang sarili sa ilalim ng kapangyarihan ng Panginoong Hesus. Sinabi niya: Hindi na kailangan pumunta ng Panginoon sa bahay ko. Ang kailanganan lang ay magbigay Siya ng salita. Tingnan ang pananampalataya ng Kapitang ito! Ito ang tinatawag na Matalinong Pananampalataya. Walang panalangin o relihiyosong gawain. Ang ginawa lang niya ay ipinakita ang kanyang pananampalataya. Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya.” (Lucas 7:9). Mabuting tao ang kapitan, ito ang tumawag ng pansin sa Diyos kaya't inihiwalay siya sa ibang kapitan, ngunit ang pananampalataya niya ang nagpagaling sa kanyang lingkod. Ano ang kahulugan nito sa panahon ngayon? Mahalagang magkaroon ng maayos na pag-uugali, kahit na ang ginagawa ng lahat ay mali. Ito ay may halaga sa harapan ng Diyos, ngunit huwag kakalimutan na kailangan mo ring isagawa ang iyong pananamapalataya. Huwag ibatay ang pananampalataya sa pagiging relihiyoso. Ipinakita ng kapitan ang takot sa Salita ng Diyos. Siya ay naging lingkod at ginawa si Hesus na kanyang Panginoon at Kumander. Nagawa mo na ba ito o nagsalita na ang Diyos at nagkibit balikat ka lang?
Bishop Renato Cardoso
Comments