Si Esteban ay pinagbabato, ngunit hindi niya tiningnan ang mga bato, kundi ang langit...
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa akin. (Juan 14:1)
Ang kahulugan ng "Huwag kayong mabagabag" ay "Huwag kang mabalisa".
Ang pakabalisa ay isang emotional imbalance, kawalan ng kapayapaan, at para kang nabubuhay na may buhawi o ipoipo sa iyong kalooban.
Ito ay madalas na nangyayari kapag ang isang tao ay nawalan ng isang bagay o tao sa kanyang buhay. Marami ang "balisa" sa ideya na wala na sa kanila ang partikular na tao, posisyon, titulo, kapangyarihan, at iba pa. At humahantong sila sa pagsuko sa kanilang takot, duda at kalituhan ng puso.
Ang mga disipulo ay nakaramdam ng pagkalito nang marinig nilang iiwan sila ng Panginoon at babalik sa Kanyang Ama.
"Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, pero gaya ng sinabi ko sa mga pinuno ng mga Judio, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko." (Juan 13:33)
Ano ang bakuna laban sa pagkabalisa?
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon para ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. (Juan 14:2)
Ang Panginoong Hesus ay hindi nagsinungaling noong sinabi niya na, kung maniniwala tayo, makakapagpagaling tayo ng may sakit, makakapagpalayas ng demonyo at mababautismuhan ng Espiritu Santo. Bakit Siya magsisinungaling tungkol sa tirahan sa langit, na pangwalang hanggang kaligtasan?
"Pero si Esteban na puspos ng Banal na Espiritu ay tumingala sa langit, at nakita niya ang nagniningning na kapangyarihan ng Dios at si Jesus na nakatayo sa kanan nito."(Gawa 7:55)
Si Esteban ay pinagbabato, ngunit hindi siya tumingin sa bato, kundi tumingala siya sa langit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa tirahan sa langit, at hindi sa sarili niyang buhay sa mundong ito. Pinahalagahan niya kung ano ang pang- habambuhay at tinanggihan niya kung ano ang pansamantala lamang.
Palagi nating gamitin ang ating matalinong pananampalataya at mag-isip, "Itong mga nangyayari sa akin, itong mga nawala sa akin ay hindi maikukumpara sa tirahan sa kalangitan na inihanda sa akin ni Hesus." Ito ang pananampalataya sa loob ni Esteban.
Tayo'y maniwala?!
Bishop Gonçalves
Comments