top of page

Ang ugaling ipinapakita natin ang tutukoy sa pangalan natin


I-meditate ang mensahe na nasa baba.


Sinabi ng tao, Nagtanong ang tao sa kanya, “Anong pangalan mo?”. Sumagot siya, “Jacob.” Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”(Genesis 32:27-28)

Makikita natin na dahil sa ugaling ipinakita ni Jacob kaya binigyan siya ng Diyos ng pangalan na Israel.


Dahil sa Hebreo, ang ibigsabihin ng Israel ay:


Ish-Ra-El

Tao-Laban-Diyos


Dahil siya ay nakipagbuno sa Diyos.


Nang ipinanganak siya, pinangalanan siya na Jacob, na ang ibigsabihin ay: ang kumapit sa sakong.

Nang ipinanganak si Esau, nakatanggap siya ng pangalang Esau, na ang ibigsabihin ay: mabalbon.

Tulad ng marami noon.


Sa pahayag na mayroon si Juan, nakasulat:

“Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng pagkain na inilaan ko sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na may nakasulat na bagong pangalan na walang ibang nakakaalam kundi ang makakatanggap nito.” (Pahayag 2:17)

Ang mga naligtas, ang mga naipanganak sa Diyos ay makakatanggap ng Bagong Pangalan.


Mula sa nakikita natin, ang ugaling ipinakita ni Jacob ang nagtulak sa Diyos na baguhin ang pangalan niya.


Kung hindi siya nakipaglaban sa Diyos, siya parin ang magiging taong nakakapit sa sakong, ang taong napag-iiwanan at ang nawalan ng lahat dahil galit siyang hinahabol ng kanyang kapatid at maaari siyang patayin.


Ilang mga tao ang palaging napagiiwanan?


Ilang mga tao ang hindi parin natatanggap ang para sa kanila?


Ilang mga tao ang hanggang ngayon hindi pa rin natatanggap ang Bautismo sa Espiritu Santo?


Ang lahat ng pag-uugaling ipinapakita natin hanggang ngayon ang nagtutulak sa Diyos na bigyan tayo ng pangalan.


Hindi ang Diyos ang pumipili para pagpalain ang sinuman ng sapalaran, kundi ang ugaling ipinapakita ng bawat isa.


Kaya nga, sinumang gagawa ng aksyon tulad ng ginawa ni Jacob, na iiwan ang lahat, ibubuhos ang sarili at magpapaiwang mag-isa kasama ng Diyos sa Jabbok, ang pupukaw sa reaksyon ng Diyos, iyon ay para baguhin ang kanyang pagkatao at mabigyan ng Bagong Pangalan, na ibibigay ng Diyos ayon sa ugaling ipapakita ng bawat isa.


Pagpalain kayo ng Diyos at ang iyong pamilya.


Pastor Rodolfo

Comments


bottom of page