"Pero si Marta ay abalang-abala sa paghahanda niya, kaya lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na nakaupo lang diyan ang kapatid ko at hinahayaang ako ang gumawa ng lahat? Sabihin nʼyo naman po sa kanya na tulungan niya ako.” Lucas 10:40
Inakala ni Marta na siya ay naglilingkod sa Diyos dahil sa may ginagawa siya. Sa panahon ngayon, maraming tao ang dinadaya ang sarili dahil sa sila ay may ginawa o may ginagawa sa simbahan o maging sa Gawain ng Diyos.
Ang paggawa ay iba sa paglilingkod
Sa papaanong paraan ko ba ito ginagawa at para kanino?
Ang maglingkod ay gawin ang kalooban ng Panginoon.
At ang tanging nais ng Panginoon kay Marta ay itigil ang lahat ng kanyang ginagawa, isantabi ang lahat para maupo sa Kanyang paanan.
Maraming tao ang nagsasabi, “Gumawa na ako ng kadena ng panalangin, vows, pag-aayuno, panalangin, sumali sa Fast of Daniel at hindi ko parin natatanggap ang Banal na Espiritu. Bakit?
Dahil isang bagay lang ang kailangan gawin: Isantabi ang lahat ng bagay at ilagay ang buong sarili sa paanan ni Hesus, sundin ang halimbawa ni Maria. Ganito ang maglingkod sa Diyos – ang gawin ang kalooban Niya.
Ang maglingkod ay sundin ang kalooban ng Diyos
Maaari kong gawin ang isang bagay ngunit kung hindi ako sumusunod, hindi ako naglilingkod sa Kanya.
"Ngunit isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya.” Lucas 10:42
Hindi lahat ng may ginagawa ay naglilingkod sa Diyos. Subalit, ang lahat ng nasa paanan ng Panginoong Hesus ay may ginagawa, at ginagawa nila ito na may kalidad dahil ginagawa nila ang kalooban ng Panginoon.
Bishop Renato Valente
Comments