Bakit pinili ng Diyos si Jacob? Dahil wala siyang kahit na anumang karapatan. Siya ay pangalawa, hindi ang panganay. Pagdating sa pagiging panganay, inaasahan na natin na makakatanggap ka.
Ito ay isang bagay na napakalakas sa isipan ng mga tao, dahil kahit na sinabi ng Diyos kay Rebecca na ang pangalawa ay magiging mas dakila kaysa sa una, ang gustong pagpalain ni Isaac ay ang una, ang panganay, dahil ito ang tamang gawin. Subalit, kung ang pinagpapala lang ng Diyos ay ang mga panganay, ang mga nauna, ano kaya ang mangyayari sa atin ngayon?
Tayo na nahuhuli sa ating pamilya, ang panggulo, ang hamak, ang walang kwenta, kung ganito ang kaso, ang aasahan na lang natin sa ating buhay ay tulad na pinanganak tayo na wala, mamamatay din tayong wala.
Gayundin sa mga tao na pumupunta sa simbahan na hinahanap ang Diyos. Hindi sila ang una, kundi ang panghuli. Kaya pinili ng Diyos si Jacob para gawing napakalinaw sa lahat ng pumupunta sa simbahan, sa mga walang wala at walang karapatan, na sila talaga ang mga gusto ng Diyos.
Idagdag dito ang mga sumusunod:
"Ngunit pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harap ng Dios." (1 Corinto 1:27-29)
Comments