Kapag babagsak na ang eroplano, kahit ang mga atheist o hindi naniniwala sa Diyos ay sumisigaw ng “Diyos ko”. Ang ibig kong sabihin dito ay, ang pangangailangan ay ang ina ng imbesyon at ng pananampalataya. Ginigising nito ang pananampalataya ng tao dahil kapag kumakaharap tayo sa isang sitwasyon, na parang itinulak sa dingding at may kutsilyo sa leeg, kinakailangan natin makahanap agad ng paraan para makaalis. Sa kasalukuyan, ang sitwasyon ay magulo at nakakabahala. Maraming tao ang walang trabaho. Sinumang gusto magtrabaho ay di makatrabaho. Sinumang may gustong magbigay ng trabaho ay hindi makapagbigay. Ang sinumang may gustong magbukas ng pintuan ay hindi makapagbukas. Ang mga pinagkakakitaan ng mga tao ay natutuyo at sinusubukan ng gobyerno na resolbahan ang sitwasyon ng pandemyang ito. Ikaw na nag-iisip kung ano ang gagawin mo sa iyong buhay, sa halip na mawalan ng pag-asa, samantalahin mo ang mahihirap na siwasyon na pinagdadaanan mo para gisingin ang pananampalataya at pagkamalikhain mo.
Kapag maghahanap tayo ng paraan, ibibigay ng Espiritu ng Diyos ang direksyon at ipapakita ang daan na hindi natin lubos maisip. Kung hahayaan mo ang desperasyon na sakupin ang buhay mo, kung susuko ka sa problema mo, ang lahat ay babagsak. Gayunpaman, kung handa ka na isipin na ang mahirap na sitwasyon na pinagdadaanan mo ay isang pagkakataon, ipapakita sayo ng Diyos ang daan, hindi lang isa pero maraming paraan.
Pinamunuan ni Moses noon ang mga Israelita na kakaalis lang sa Ehipto at ang mga tao ay nandoon nakaharap sa pulang dagat. May bundok sa kaliwa at bundok sa kanan, wala silang ibang matakbuhan. Sumigaw si Moses, “Panginoon, anong gagawin ko?” at sinabi ng Diyos, “Ano ang nasa kamay mo?” Bakit ba tinanong ng Diyos ang tanong na ito kay Moses? Ang nasa kamay ni Moses ay ang tungkod na ginamit na niya ng higit sampung beses para gumawa ng mga kababalaghan/himala. Ang tanong ay isang paraan para ipaalala kay Moses ang lahat ng nagawa na ng Diyos sa kanya. Sinabi ng Diyos, “Sabihin mo sa mga tao na magpatuloy .” Ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos sayo: bumangon ka, kunin mo ang iyong matapat na tungkod, humayo ka at maniwala na Siya ay kasama mo. Magbibigay ang Diyos ng direksyon, ngunit huwag ka lang umupo at mag-antay sa Kanya na bumaba mula sa langit. Samantalahin mo ang sitwasyon at gisingin ang iyong pagkamalikhain para mapagtagumpayan ang mga paghihigpit at matutong kumita ng pera nang hindi gumagawa ng anumang ilegal at nang hindi gumagawa ng kahit anumang makakapahamak ng iyong integridad. Matagal ng hawak hawak ni Moses ang tungkod niya, ngunit hindi niya napagtanto na ang solusyon ay nasa kamay lang niya. Magpatuloy ka kaibigan, ang dagat ay bubukas.
Bishop Renato Cardoso
Comments