Ulat tungkol sa lindol na naganap sa Haiti...
Dear Bishop!
Nais ko po ng iulat sa iyo kung ano ang nangyari sa Haiti, at ibahagi ang repleksyon ko tungkol sa kaganapang ito.
Noong nakaraang Sabado, nagkaroon ng lindol na may lakas na 7.2 sa isa sa pinakamahalagang siyudad sa Haiti na mas malaki kaysa noong 2010 na sumira sa Port-au-Prince.
Ayon sa ulat ng Pastor na humahawak ng bansa, malaki ang pinsalang ginawa nito sa siyudad at sa kasamaang palad, maraming buhay ang nawala. Gayunpaman, salamat sa Diyos, ang simbahan at ang mga miyembro ay hindi napahamak.
Sinabi ng pastor sa akin na sa gitna ng desperasyon, tumakbo ang mga tao palabas sa kanilang mga bahay na ang suot lang ay tuwalya o ang damit sa kanilang likuran, iniwan nila ang lahat. Walang sinuman ang nag-abalang kumuha ng anumang gamit, pera, alahas o anumang bagay na maituturing na mahalaga, iniwan nila ang LAHAT para sa iisang dahilan: upang iligtas ang kanilang buhay.
Matapos ko siyang kausapin, sumagi sa isipan ko ang salita ni Hesus na sinasabi:
"Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kanyang buhay?" Mateo 16:25-26
Nagawa ng mga tao na IWAN ANG LAHAT, na walang pakialam sa anumang bagay, dahil gusto ng lahat na mailigtas ang kanilang buhay, ngunit ang buhay na ito sa anumang paraan ay matatapos rin at dito papasok ang tanong: Ano ang handa nating gawin upang magkaroon ng buhay na PANGWALANG HANGGAN? Ano ang handa nating iwan upang matanggap ang bautismo sa Banal na Espiritu?
Ang totoo marami ang hindi nakatatanggap ng BUHAY dahil sila ay nakadikit parin sa isang bagay na ayaw nilang bitawan, sa loob-loob ayaw talaga nilang iwan ang LAHAT para matanggap kung ano ang PANGWALANG HANGGAN at kung ano ang talagang pinakamahalaga.
Ang Fast of Daniel ay ang pinakamagandang pagkakataon para sa mga taong gustong makatanggap ng Pag-iisip ni Cristo, at handang iwan ang lahat ng pumipigil sa kanilang iligtas ang kanilang buhay mula sa mundong ito, at nang sa gayon ay maabot nila ang BUHAY, hindi ang buhay na lumilipas, kundi ang PANGWALANG HANGGAN!
Mas pagpalain pa po kayo ni Mrs. Ester!
Bisphop Franklin Sanches
Comments