Tayo ay namumuhay sa napakahirap na panahon, kung saan maraming tao ang nawawalan. Nawawalan ng magandang kalusugan, pamilya, trabaho, negosyo, bahay… May mga tao na hindi pa nararanasan ang naranasan ng iba sa pandemyang ito, at marami ang pinapahina ang pananampalataya nila sa harap ng napakaraming problema. Kaya marami ang nawawalan at sumusuko pa nga sa kanilang buhay.
Madaling maniwala sa Diyos kapag maayos ang lahat, kapag walang problema, pero sa mga mahihirap na sitwasyon ng buhay kailangang gamitin natin ang pananampalataya para mapagtagumpayan at matalo ang mga ito. Hindi tayo pwedeng mawalan ng pananampalataya, dahil ang pananampalataya ang tanging tulay na kumukonekta sa atin sa Diyos. Kung ang tulay ay sira, mawawalan tayo ng koneksyon sa Diyos, ang ibig sabihin nito ay, mawawala sa atin ang lahat, ganundin ang ating kaligtasan.
Sa 1 Samuel 30, makikita natin ang isang tagpo kung saan bumalik si David kasama ng kanyang mga tauhan sa Ziklag, at natagpuan ang lugar na ninakawan at sinunog ng mga Amalekita, kinuha ang mga babae, mga anak na babae at lalaki at ang lahat ng kanilang mga bihag. Nawala sa kanila ang lahat, at sa harap ng sitwasyong iyon, normal na makaramdam sila ng sobrang kalungkutan, sumigaw sila at umiyak ng husto hanggang sa maubusan sila ng lakas para umiyak, dahil sa sobrang sama ng loob, ngunit si David ay pinalakas ng Diyos.
Natural sa taong umiyak kapag kumakaharap sa mga pagkatalo at kawalan na nararanasan nila sa buhay, at ganito ang sitwasyon ng maraming tao na nawalan ng lahat sa pandemyang ito. Ngunit hindi normal ang mamuhay habang buhay na umiiyak, bigo, at depress sa mga problema. Mahalagang gumawa ng aksyon ng pananampalataya para baguhin ang sitwasyon, dahil kung hindi, hindi magbabago ang buhay mo.
Naiyak din sa David, pero lumaban siya, pinalakas ang sarili sa Diyos at kinonsulta ang Panginoon. Walang kwentang maniwala sa Diyos, kung ang isang tao ay hindi naman gumagawa ng aksyon para sa kanyang buhay at hinahayaan lang ang sarili na matalo ng mga problema.
Dahil sa mga pinakamahihirap na sandali ng buhay na kailangan natin na gumawa ng aksyon sa ating pananampalataya, para mabago natin ang sitwasyon, at ganitong ganito ang ginawa ni David. Siya ay hindi lang isang taong may pananampalataya pero siya ay isang tao na may ugali, at ito ang dahilan kung bakit siya ay isang mahusay na pinuno.
Maraming tao na sa mahihirap na sandali ng buhay na ginagawa nila ang kabaliktaran, iniiwan ang kanilang pananampalataya, at hinahayaan ang sarili na matalo ng problema, sumusuko sa laban at tinatapon ang tuwalya. Ngunit sa paggawa nito, hindi nila magagawang bumangon sa buhay. Kaya marami tayong nakikita na mga taong sumasampalataya na bumabagsak, maraming mga tao ang walang simbahan, ang mga naghihimagsik laban sa Diyos, na dapat ay maghimagsik sila laban sa diyablo. Sa halip na magpalakas sa Diyos at kumonsulta sa Panginoon, marami ang kumokunsulta sa mga salamangkero o mangkukulam, psychics, horoscope, mga propeta.
Ngunit, dapat natin palakasin ang ating sarili sa Salita ng Diyos, gumawa ng aksyon ng pananampalataya at kumonsulta lamang sa Panginoon, dahil Siya ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. (Salmo 46:1)
Hindi sumuko si David. Nang may pananampalataya, tinawag niya ang kanyang mga tauhan at umalis para makipaglaban. Nang makarating sila sa kampo ng mga Amalekita:
Sinalakay sila ni David at ng mga tauhan niya, mula sa paglubog ng araw hanggang sa kinagabihan ng sumunod na araw. Walang nakatakas sa mga Amalekita, maliban sa 400 kabataang lalaki na sumakay sa kamelyo nila at tumakas. Nabawi ni David ang lahat ng kinuha sa kanila ng mga Amalekita pati ang dalawa niyang asawa. Walang nawala, bata man o matanda, lalaki man o babae, o kahit ano sa mga nakuha ng mga Amalekita. Nabawing lahat ni David ang mga ito. Pagkatapos, nakuha rin niya ang lahat ng tupa at baka, at pinauna ng mga tauhan niya ang mga hayop na ito sa harapan ng iba pang mga hayop habang sinasabi, “Ito ang mga samsam para kay David.”(1 Samuel 30:17-20)
Makikita natin na ang paraan ng reaksyon ni David sa problema ang nagpabago ng buong sitwasyon. Hindi lang niya nabawi ang lahat ng nawala sa kanya, malaki rin ang kanyang nasamsam, at walang kulang, ni maliit o malaki na hindi niya nabawi. Kaya, ganoon din sa lahat ng mga nawalan at kumakaharap ng mga problema, na naging malakas sa Diyos at gumawa ng aksyon ng pananampalataya. Walang maliit o malaki, lahat ng mga nawala ay mababawi, sa pangalan ng Panginoong Hesus.
Bishop, naaalala ko kung ilang beses na kumaharap sa mahirap na sitwasyon ang simbahan at ang paraan ng reaksyon mo sa mga malalaking problema na iyon. Maraming nawala sa atin sa mga sandaling iyon, maraming tao ang nanghina sa pananampalataya at ikaw, sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa radio program, ay nagsimulang magpasa ng pananampalataya sa mga tao, sa aming lahat. Napakalaking laban iyon, pero binigay sa atin ng Diyos ang tagumpay laban sa ating mga kaaway at binigyan pa tayo ng mas marami pa. Ang desisyon na ginagawa natin ngayon sa harap ng problema ang tutukoy sa ating kinabukasan. Hindi sapat ang maniwala lang sa Diyos, ang magkaroon ng malaking pananampalataya, kung hindi naman tayo gagawa ng aksyon.
Bishop Paulo Roberto Guimarães
コメント