Sumagot si Saul, “Nagkasala ako! Nakikiusap ako, parangalan mo ako...(1 Samuel 15:30 )
Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako sa Panginoon.” (2 Samuel 12:13)
DALAWANG KLASE NG UGALI SA PAGHARAP NG KASALANAN
Nang magkasala si Saul at siya ay hinarap ni propeta Samuel, inamin nga niyang nagkamali siya, ngunit matapos niyang umamin ay may karugtong pa, hiniling niya kay Samuel na kahit ganoon ay parangalan pa rin siya sa harap ng mga tao.
Nang magkasala si David at siya ay hinarap ni propeta Natan, inamin niya ang kanyang pagkakamali at tinuldukan ito sa kanyang pag-amin. Hindi na siya nagbigay katwiran pa. Wala siyang sinisi na sinuman. Ang tanging hiniling niya ay kapatawaran at wala ng iba.
Si David ay pinatawad (kahit na nagdusa siya sa kinahinatnan ng kanyang kasalanan) at naligtas, ngunit si Saul ay pinahirapan ng kanyang pagmamataas ng ilang taon, hanggang sa magawa niyang kitilin ang sariling buhay.
LAHAT AY NAGKAKAMALI
Pero hindi lahat ay nagsisisi sa kanilang kasalanan.
Sila ay nagmamatigas at sinusubukan pang mangatwiran at ipagtanggol ang sarili, isinisisi ang iba, para pagtakpan ang kasalanan sa mas malaki pang kasalanan...
Ang mga tunay na nagsisisi ay hindi nangangatwiran, tinitingnan lamang ang sariling pagkakasala, inaamin ang sariling kasalanan at hindi na ito itinatago.
Ang pagsisisi ang pinakamahirap na sakripisyo dahil isinasakripisyo natin ang ating ego,
Ngunit kung walang pagsisisi, walang kapatawaran, walang awa at walang pagbabago ng buhay.
Kung gusto mong magsimula muli, simulan mo sa pagsisisi.
[ ] Sa buong linggong ito, basahin ang Salmo 51 bilang panalangin araw-araw
[ ] Suriin ang sarili at alamin ang mga pagkakamali na kailangan mong pagsisihan at iwanan.
[ ] Sunday, October 10: Magbigay ng nararapat na handog sa altar ( Salmo 51:19)
Bishop Macedo
Comments