top of page

'Magtayo ng sariling Harang'



Lagyan ninyo ng harang ang bubong ng bahay na gagawin ninyo upang hindi kayo managot sakaling may mahulog mula roon. (Deuteronomio 22:8)

Ang Panginoong Hesus ay nagbigay ng gabay sa mga anak ng Israel tungkol sa kahalagahan ng harang. Kaya nga, kung may magpapatayo ng bahay, iminumungkahi Niya na dapat sa bubong ay may nakalagay na harang para kung may mahulog mula sa itaas, hindi siya masisisi sa pagkahulog nito.


Ang malasakit sa atin ng Diyos ay napakalaki na kahit ang maliliit na detalye ay tinitingnan Niya para sa ating ikabubuti.


Ang pinakakaraniwang ugali ng mga hindi maayos sa kanilang espirituwal ay ito: ang sisihin ang simbahan (ang bahay) o ang mga tao sa kanilang pagbagsak.


Ngunit, kung maglalagay tayo ng harang, iyon ay ang ating limitasyon, malalaman natin kung saan tayo tatayo, sa gayon, hindi tayo mahuhulog.


Ang harang na ito ay ang takot sa Diyos, itinuturo sa atin ito ng Salita ng Diyos, na kung saan nalalaman natin kung hanggang saan lang tayo, sa ating mga salita, pag-uugali, at mga reaksyon, at kapag lumampas tayo dito sigurado ang ating pagbagsak.


Magtayo tayo ng sariling harang, hindi sa bahay ng kapitbahay.


Bishop Andre Cajeu

Comments


bottom of page