Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan. (I SAMUEL 12:21)
Ngunit maraming tao ang iniisip na mas may alam sila kaysa sa Diyos, at sinasabi na sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang bagay na maaayos ang mababang pagtingin sa sarili at makakamit ang respeto na matagal na nilang pinapangarap na magkaroon.
Pero ang vanity o ang mga bagay na walang kabuluhan ay nangangahulugan ng isang katangian na walang saysay o walang kabuluhan. Hindi ba't malinaw naman sa pangalan?
Pero isipin ninyo kung ano ang gusto ninyong isipin, ganito rin ang nangyari kay Lucifer... nagsimula siya sa pagkakaroon ng mga sariling opinyon.
Ang Diyos ay hindi 'vain o walang kabuluhan', at tandaan na ang Kanyang mga nilikha ay nagpapasaya sa atin! Kung Siya ay hindi 'vain o walang kabuluhan', bakit magiging ganito ang mga anak Niya?
Mrs. Cristiane Cardoso
Comments