top of page

'Mga Bitag ng Masama'

Hindi lahat ng taong may pananampalatayang magbigay ng patotoo ay may pananampalatayang magbantay at takasan ang patibong nang masama...




Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag. Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa. (Isaias 24:17 -18)

Marami ang nakatakas sa takot at nakakaahon sa hukay sa pamamagitan ng pananampalataya, pero hindi sapat ang pananampalataya para mapalaya sila sa bitag. Kaya para hindi na mahulog ulit sa bitag, kinakailangan rin ng pagbabantay.


Subalit hindi lahat ng taong may pananampalatayang magbigay ng malalaking patotoo ay may pananampalatayang magbantay at takasan ang patibong.


Marami ang noo'y kilala dahil sa kanilang malaking pananampalataya, dahil sa napagtagumpayan nila ang kanilang mga problema na nagdala ng takot sa iba, ang problema sa pamilya at pinansyal, dahil sa napagtagumpayan nila ang adiksyon, ang malubhang sakit at nakabangon pa mula sa hukay, subalit wala silang pananampalataya na bantayan ang pakikipagkaibigan, ang paglalandi, ang isang pakiramdam, ang kagustuhan, ang papuri ng iba at sila ay nabitag.


Makakatakas lang tayo sa bitag sa pamamagitan ng pagbabantay 24/7.


Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko rin sa lahat: Maging handa kayo!”

Marcos 13:37


Sinabihan ng Panginoong Hesus ang lahat, lalaki, babae, may asawa o wala,  assistant, bishop, pastor, asawa ng pastor, miyembro o pumupunta lang sa church, ang lahat. Tayong lahat ay pare-parehas lamang. Magbantay tayo!


Bishop Renato Valente

Comments


bottom of page