“Idinadalangin ko sa iyo, Ama, na silang lahat ay maging isa gaya natin. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoʼy nasa iyo, nawaʼy sila man ay sumaatin, para maniwala ang mga tao sa mundo na ikaw ang nagsugo sa akin. Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin. Nasa kanila ako at ikaw ay nasa akin, para silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng mga tao sa mundo na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin. Juan 17:21-23
Alam ng diyablo ang lakas ng pagiging ISA, at iyan ang dahilan kung bakit, sa simula pa lamang sa panahon nila Adan at Eva, sinisikap na niyang sirain ang pagkakaisang ito ng tao sa pamamagitan ng kasalanan. Ito ang ating lakas: Pagkakaisa! Ang simbahan ay dapat nagkakaisa -ang mga pastor ay kaisa, ang mga assistant ay kaisa, ang mga tao ay kaisa! Sa ganitong paraan, walang makakapigil sa atin! Ito ang pagkakaiba ng Universal Church sa iba pang mga simbahan. At sa kadahilanang ito, sinisikap ng diyablo na sirain ang pagkakaisang ito upang pahinain ang Simbahan! Kung tayo ay kaisa ng ating Panginoon, tayo ay magkakaisa sa isa't isa. Wala ng panahon pa para tumingin sa ibang mga bagay... panahon para sa mga awayan, maliliit na problema, atbp. Sa Fast of Daniel, tayo ay magiging isa sa ating Panginoon, at isa sa isa't isa. Buong lakas tayong lalaban laban sa impiyerno! Magkakaroon ng malaking spiritual revival sa buong mundo!
At sinabi ng PANGINOON, “Tingnan ninyo, sila'y iisang bayan at may isang wika; at ito ay pasimula pa lamang ng kanilang gagawin, at ngayon, walang makakapigil sa anumang kanilang binabalak gawin.GENESIS 11:6
Alam ng ating Diyos ang halaga, lakas at kadakilaan ng pagkakaisa sa espiritu! Kaya hindi natin pwedeng hayaang mawala o masira ang ating pagkakaisa. Ang kasalanan ang nagpapalayo sa atin sa Diyos. Ito ang sumisira sa pagkakaisang ito. PATULOY TAYONG MAGING MAPAGMATYAG!
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. Juan 15:5
Bishop Henrique Costa
Comments