Iilang tao lang ang nakakaunawa ng kapangyarihan ng kapatawaran at ito ang dahilan kung bakit may mga tao na nagtatanim ng sama ng loob, at taas-noo na kinikimkim ang lahat ng ito sa kanilang kalooban, habang unti-unti silang kinakain nito sa loob, na parang cancer na kumakalat at saka lang lilitaw kung saan huli na ang lahat.
Ang pagpapatawad ay hindi lang para maging malaya sa pagkakasala ng iba pero sa kasalanan mo rin. Ang pagpapatawad ay hindi pinipili, kundi isang obligasyon, maliban na lang kung iniisip mong mas mataas ka pa sa Diyos. Kung napatawad ka Niya, sino ka para hindi mo mapatawad ang iyong sarili? At kung napatawad Niya ang mga nagkasala sa Kanya (namatay pa nga Siya para sa kanila), sino ka sa palagay mo para hindi mo patawarin ang nagkasala sa iyo?
-Mrs. Cristiane Cardoso
Comments