Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa pananampalataya sa Diyos, karamihan ng tao ay agad tumitingin sa relihiyosong bahagi nito, sa isang pananampalataya na nakabatay sa mga bagay na nakikita o nahahawakan.
Ang relihiyosong pananampalataya ay puno ng emosyon at damdamin. Ang ganitong klase ng pananampalataya ay walang saysay, siguro puno ng kaalaman sa bibliya pero wala namang resulta at walang pagbabago ang makikita sa buhay ng mga taong mayroon nito. Ito ang pinakadahilan kung bakit maraming tao ang nabigo sa Diyos, sa simbahan, at ligaw at kulang sa pananamapalataya.
Hindi ganito ang pananampalataya na ayon sa bibliya, sapagkat kung ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos, malalaman natin na ang tunay na pananampalataya ay wala namang kaugnayan sa damdamin – ito ay agresibo. Hindi ito nakabatay sa anumang nakikita o nararamdaman. Ito ay tanging nakabatay sa anumang nakasulat sa Salita ng Diyos. Ito ay tumutugon, gumagana, at sumusunod sa sinasabi ng Diyos.
Sa tunay na pananampalataya ay, walang negosasyon, walang diskusyon, at hindi paiba-iba. Wala! Ito ay kumikilos alinsunod sa kung ano ang nakasulat at ito ay ginagabayan ng boses ng Diyos.
Tingnan kung ano ang sinabi ng Diyos:
Tingnan ninyo si Abraham na ama ninyo, at si Sara na nagsilang sa inyo; sapagkat nang siya’y iisa ay tinawag ko siya, at pinagpala ko at pinarami siya. Isaias 51:2
Bakit sinabi ng Diyos na tingnan si Abraham? Ito ay dahil matatagpuan natin sa kanya ang uri ng pananampalataya na nakakakuha ng atensyon ng Diyos, na nakakalugod sa Kanya at humihimok sa Kanya na ipakita ang Sarili sa isang tao. Ito ay isang pananampalataya na malaya sa damdamin ng puso at emosyon.
Matatagpuan natin kay Abraham ang tunay na pananampalataya, na nagmumula mismo sa Diyos – isang dalisay at tapat na pananamapalataya na handang sumunod ng walang katanungan. Ito ay nangyari noong tinawag si Abraham sa Genesis 12:1-3, noong sinabi ng Diyos sa kanya, sa unang pagkikita nila, na iwaanan ang kanyang tahanan at pamilya. Sa ibang salita, ilayo ang sarili sa lahat ng uri ng pakiramdam na maaaring maging balakid sa relasyon ng Diyos at ni Abraham.
Kung nais talaga nating makita ang Diyos sa ating buhay, dapat nating ihawalay ang ating sarili sa mga bagay na pumapagitna sa atin at sa Diyos. hindi maaaring mayroon tayong koneksyon sa anumang bagay o kaninuman. Sa ibang salita: DAPAT MAYROONG SAKRIPISYO.
Sa buong buhay ni Abraham, mapapansin natin na ganito ang klase ng pananampalataya ang mayroon siya. Ito ang nagbigay daan sa kanya na magkaroon ng malalim na relasyon sa Diyos, kaya tinawag siya ng Diyos na ‘kaibigan’. (Isaias 41:8)
Makikita dito ang lalim ng relasyon na mayroon si Abraham at ang Diyos. Natuto siyang sumunod ng walang katanungan, ng hindi nagtatanong, ng hindi inaalam kung ano ang dahilan sa likod ng sinasabi ng Diyos sa kanya. Sumusunod lang siya. Ito ang nagpapataas ng antas ng ating tiwala at pagsuko, at ito ang gumagawa ng kaibahan at ito ay nagyayari hanggang ngayon.
Kapag binabasa natin ang Genesis 22:1-3, makikita natin ang pinakamataas na antas ng pananampalataya, na walang anumang impluwensya ng puso at damdamin, walang emosyon. Sadyang puro at tunay na pananampalataya lamang, isang buong katiyakan at tiwala sa Salita ng Diyos. Dumating pa nga sa punto kung saan hindi nag-alinlangan si Abraham na ihandog sa Diyos ang kanyang pinakamamahal, ang kanyang pinaka-pinaglaban at pinaka-ninanais sa buhay: ang kanyang kaisa-isang anak.
Sa puntong ito, ipinakita ni Abraham kung sino ang Diyos at naging kinatawan niya. Ipinakita niya kung gaano niya kamahal Siya at kung gaano siya nagtitiwala sa Kanyang pagkatao at kapangyarihan. Ang kanyang pag-ibig, malasakit at pananamapalataya ay higit pa sa kanyang anak, asawa, pera, at iba pa. Hindi niya hinayaan ang anumang bagay na humadlang sa relasyong ito at kaya isinantabi niya ang lahat ng kanyang emosyon at pakiramdam.
Walang anumang duda sa isipan ng ama ng pananampalataya, kahit ang hindi magtiwala. Ito lamang ang nais ng Diyos sa sangkatauhan: TUNAY NA PANANAMPALATAYA! Sa harap ng aksyong iyon ng pagsuko, at sakripisyo, walang nang anumang natitira sa Kataas-taasang Diyos para sabihin ng sa kanya:
At sinabi niya, “Sumumpa ako sa aking sarili,” wika ng Panginoon, “sapagkat ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak; tunay na pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa baybayin ng dagat; at makakamit ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway. At sa pamamagitan ng iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa, sapagkat sinunod mo ang aking tinig.” Genesis 22:16-18
Patungkol dito, ang lahat ay dapat na tanungin ang sarili ng may katapatan: Anong klaseng pananamapalataya ang mayroon ako? Gaano kalayo ang mararating ng aking tiwala at pagdepende sa Diyos? Handa ba akong sumunod sa Kataas-taasang Diyos sa ganoong antas?
Kung masasagot mo ang katanungang ito ng tapat, mauunawaan mo kung bakit ang buhay ay ganito, at kung bakit ito nasa lugar nito!
Huwag kalimutan – ang kalidad ng iyong buhay ay resulta ng pananampalataya na mayroon ka!
Comments