top of page

Patay na Langaw



 

Kung paanong napapabaho ng isang patay na langaw ang isang boteng pabango, ganoon din ang kaunting kamangmangan, nakakasira ng karunungan at karangalan. (Mangangaral 10:1)

 

Ang aral na matututunan natin sa mensaheng ito ay ang maliit ay maaaring makapinsala sa malaki. Ang isang bagay na walang halaga ay maaaring sayangin ang mga bagay na magaganda. Ang baka, kabayo at kahit ang patay na aso ay nakakaagaw pansin. Pero sino bang may pakialam sa patay na langaw?

 

Ang mga patay na langaw ay ang mga bagay na hindi napapansin ng ating mga mata. Halimbawa, sa pagawaan ng pabango noong araw, ang proseso ay mabagal. Umaabot ng buwan at minsan taon pa nga para makagawa nito. Sa binanggit na verse, iniwan ng tagagawa ng pabango ang pabango sa isang lagayan ng matagal na panahon. Ngunit hindi niya napansin na may isang langaw na nakapasok sa lagayan at namatay.

 

Isang maliit lang na bagay na nahulog sa lagayan at nawala ang bango! Naging pabaya ang lalaki, at ang lahat ng ginawa niya ay nasayang. Isang aral!

 

Nakikita natin ito sa maraming kabataan na iginugol ang dalawampu’t tatlong taon para maging edukado at maging “adult”. Ngunit sa limang minuto na pakikipag-usap sa isang drug dealer sa kubeta ng eskwelahan, ang dalawampu’t tatlong taon ay nasayang!

 

Ang dalawampu’t limang taon na kasal ay nasira dahil lang sa limang minutong sarap!

 

Gaano ba katagal ang kailangan para makabuo ng isang magandang reputasyon? Ang labing walong taon na pangarap ng isang batang babae na maikasal ng maayos ay maaaring masayang sa isang simpleng pakikipag-usap sa isang “manloloko”.

 

Napansin mo ba na hindi natin makukuha ang “magandang kalusugan” sa kahit sinuman? Ngayon, subukan mong manatili sa loob ng bahay kasama ang isang taong may lagnat!

 

May isang kwento tungkol sa isang taong nagpapaamo ng ahas. Siya ay isang lalaki sa circus at nakakita siya ng isang ahas na noo’y kasinglaki lang ng kanyang daliri. Pinaamo niya ito ng ilang taon. Sa oras ng pagtatanghal, pumapalupot ang ahas sa kanyang katawan at sa isang utos ay agad itong sumusunod at kumakawala sa katawan ng kanyang amo.

 

Subalit isang araw, may nangyaring mali! Hindi sinunod ng ahas ang lalaki hanggang sa nahirapan itong huminga. Ipinulupot ng ipinulupot ng ahas ang katawan ng lalaki hanggang sa marinig ng mga tao ang ingay ng nababaling buto… siya ay namatay!

 

Ang pinakamapanganib ay nakikipaglaro kayo sa alam ninyong magpapahamak ng iyong buhay! Ang pinakamapanganib ay ang isang kaisipan na anumang oras kaya mong pigilan at makokontrol mo ang lahat!


May pagkakataon sana ang lalaki sa kwento na patayin ang ahas noong kasing liit palang ito ng kanyang mga daliri. Pero hindi niya ginawa, pinakain niya ito, at nakipaglaro pa dito! Sa huli, siya ang napahamak.

 

Mga kaibigan, huwag niyong hayaan! Kailan ba hindi itinuro sa Bibliya na lumayo -maliban sa dati nating likas na pagkatao : “Lumayo sa prostitusyon”, “Lumayo sa karumihan/kalaswaan”, “lumayo sa nasa/hilig ng pagkabata” – ay ang payo ni Apostol Pablo.


Sa hebreo, ang kahulugan ng kamangmangan ay "kahangalan".

 

Huwag sayangin ang ilang taong paglilingkod kay Hesus, na ating Panginoon. Ang kaunting kamangmangan ay maaaring ilagay ang kaligtasan mo sa kapahamakan.

 

Ang isang bote ng pabango ay hindi maaaring pabanguhin ang isang patay na langaw, ngunit ang isang patay na langaw ay maaaring sirain ang buong trabaho. Sinabi ni Pablo:

Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina. (Galacia 5:9)

Pag-isipan ito!

Comments


bottom of page