top of page

Pentecost, Ang Pangako ng Diyos

Ang pagbuhos ng Espiritu Santo sa mga unang Kristiyano ay palatandaan ng pagsisimula ng Simbahan.

Ayon sa Salita ng Diyos, sa ikalawang kapitulo ng libro ng Gawa ng mga Apostol, ang pagbuhos ng Espiritu Santo sa mga unang Kristiyano ay ang palatandaan ng pagsimula ng Simbahan:


“Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.” (Gawa 1:8)

Sinunod ng mga disipulo ng Panginoong Hesus ang Kanyang utos na manatili sa Jerusalem at maghintay sa pangako, habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At puro ugong na lang ang kanilang narinig sa bahay na kanilang pinagtitipunan. Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita ng ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan. At narinig sila ng mga taong nanggaling sa iba’t ibang bansa, at namangha sila dahil narinig nilang sinasalita ng mga mananampalataya ang kani-kanilang wika.


Ang Espiritu Santo ay kapangyarihan, lakas, tapang, at lakas ng loob para mabuhay, tulad ng pamumuhay ng Panginoong Hesus dito sa mundo. Nakita natin ang maraming tapat na Kristiyano na ginawa ang kanilang buong makakaya at nagsikap upang mapanatili ang kanilang buhay ayon sa pamantayan ng Bibliya, na walang nangyayari.


Sa katunayan, kung hindi na madaling malampasan ang mga tukso at mapanatiling tapat ang patotoo kahit na nabautismuhan ng Espiritu Santo, paano pa kaya kung wala ito! Marami ang naghahangad na maiwasan ang mga problema at mga tukso, hindi para sa kapakanan ng pagsunod sa Salita ng Diyos, kundi para makatakas sa masama, o dahil sa takot na bumagsak.


Ngayon, kung mayroong takot, ito ay dahil kinakailangang matanggap ang kapangyarihan alinsunod sa Pangako ng Panginoong Hesus, nang sinabi niya na:

“Ngnit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan…”(Gawa 1:8)

Bishop Edir Macedo

Comments


bottom of page