top of page

Sa Matinik na Damo




Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios. Ngunit dahil sa mga alalahanin dito sa mundo at sa paghahangad na yumaman, nakalimutan nila ang salita ng Dios, kaya hindi namunga ang salita sa buhay nila. (Mateo13:22)

Habang minimeditate ko ang verse na ito, nakikita kong nangyayari ito sa maraming mga pastor at mga asawa ng mga pastor. Sa buong taon ng kanilang ministry, hinahayaan nila ang “mga alalahanin dito sa mundo at daya ng mga kayamanan” na kalimutan ang Salita ng Diyos na simula palang ng una ay itinanim na sa loob nila.


Ang diyablo ay ang “manloloko sa buong mundo”. Nahulog siya mula sa langit at dito sa mundo siya ay nangloloko. Kung sinubukan niyang lokohin ang Panginoong Hesus, hindi ba niya susubukang lokohin ang mga pastor, pastor’s wives, bishops, o assistant?


Pagkatapos, dinala pa siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok, at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kayamanan at kadakilaan ng mga ito. 9At sinabi ng diyablo kay Jesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung luluhod ka at sasamba sa akin.” (Mateo 4:8-9)

Lalong lalo na ang mga hindi nagbabantay ay maloloko at mahuhulog sa bitag ng mammon. Kaya kailangan nating malaman na ang ating kaluluwa ay palaging nasa panganib.


At bakit pa namin inilalagay ang aming mga sarili sa panganib oras-oras? (1 Corinto 15:30)

Magiging panatag lang tayo kapag ang kaluluwa natin ay humiwalay na sa ating katawan at makita na natin ang Panginoon. Kailangan natin magbantay at lumaban araw araw laban sa “manloloko ng mundong ito”, na sinusubukang pumasok sa papamagitan ng ating nararamdaman, nakikita, sinasabi at naririnig.


Huwag ninyong kalimutan ang mga natutunan ninyo mula pa noong una, upang patuloy kayong mamuhay nang may pagkakaisa sa Anak at sa Ama. Sa ganoon, mapapasainyo ang ipinangako ni Cristo: ang buhay na walang hanggan. (1 Juan 2:24-25)

Pagpalain pa kayo ng Diyos na higit pa!

Comments


bottom of page