top of page

Saan nagmula ang iyong basbas?



Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, KUNDI ITINAKUWIL NILA AKO BILANG HARI NILA...(I SAMUEL 8:7)
Pagkatapos, kumuha si Samuel ng LALAGYAN NG LANGIS at ibinuhos ang langis sa ulo ni Saul...(1 Samuel 10:1)
Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Hanggang kailan mo iiyakan si Saul gayong itinakuwil ko na siya sa pagiging hari sa Israel? PUNUIN MO NG LANGIS ang iyong SUNGAY at humayo ka. Isusugo kita kay Jesse na taga-Bethlehem sapagkat AKO'Y NAGLAAN PARA SA AKING SARILI NG ISANG HARI mula sa kanyang mga anak na lalaki.”(I SAMUEL 16:1)

Ang pagbasbas kay Saul ay malinaw na dahil sa pagpupumilit, kagustuhan at katigasan ng ulo ng mga taong itinakuwil ang Diyos.


Nang binasbasan naman si David, makikita natin na ang Diyos ang naglaan ng Hari para sa sarili Niya, na maglilingkod sa Kanya sa mundo.


Ang kaibahan ng vase o sisidlan na lagayan ng langis ay madali itong mabasag, ibigsabihin, dahil wala ang natatanging direksyon ng Diyos, ng Banal na Espiritu, masasapawan ng ego ang basbas na natanggap, na ang gusto ay pagsilbihan ang mga bagay na walang kabuluhan at sariling kagustuhan.


Si David ay binasbasan gamit ang sisidlan na sungay, na kumakatawan sa awtoridad ng Diyos sa mundo, at ang kaibahan ay: sinadya ng Diyos ang paghahanda sa kanya, halos sa buong buhay niya, dagdag na rito ang palagiang paninirahan niya sa disyerto na  "tinatakasan" si Saul, ibigsabihin, ang pagdepende niya sa Diyos ng 100%.  Kailangan matutunan ni David kung paano harapin ang puso ng tao, tulad ng "pag-ibig at poot" ni Saul.


Maliit na bagay ba ang gumawa ng mabuti sa mga taong nagnanais ng masama sayo? Siyempre hindi! Isang aral ito sa atin! Dahil palaging may mga taong nanaisin na makitang bumagsak ang Simbahang Universal, mas dumadami ang mga gustong "patayin" ang mga hinirang ng Diyos para magligtas at makipaglaban sa araw araw na giyera laban sa mga kalaban ng Diyos: ang diyablo, ang ama ng kasinungalingan, ang mandaraya!


Ang palasyo ay hindi isang lugar ng kaligayahan, dahil nanirahan si Saul dito nang may espiritu na nagpapahirap sa kanya, ngunit hinayaan ng Diyos si Saul sa daan ni David para ihanda siya at turuang maghari at maglingkod sa iba!


Hindi ibigsabihin na bilang hari ng isang bayan na siya ang mas mahalaga o mas espesyal sa Diyos, kundi ang LUGAR kung saan ang hari (simbahan) ay nakatayo sa harapan ng Diyos, ibigsabihin, ang kanilang relasyon, ang kanyang pagdepende sa Diyos ang mas mahalaga sa kataas-taasang Diyos!


At ano ang pipiliin mo?

Sa ilalim ng langis sa sisidlan o vase (sariling kalooban) o ang langis sa sungay (kalooban ng Diyos)?


Sa palasyo na hinahayaang ubusin ng mga lobo ang mga kawan at iyong sarili o sa disyerto na iniingatan ang sarili at ang bawat tupa nang sa ganoon ay walang mawawala?


Ang langis, ang basbas, ay para bang parehas, pero ang intensyon ng nagdadala ng langis ang palaging gumagawa ng kaibahan.


Ingatan natin ang mga ugat ng ating puso at hindi ang panlabas nito.



Comments


bottom of page