Nailarawan na sa Bibliya ang labis na pagtalikod sa pananampalataya na nararanasan natin ngayon sa pinakamaliit na detalye. Ang kakaunting espiritwal na pang-unawa ay sapat na para maintindihan ang gawa ng diyablo, hindi lamang sa mundo, kundi higit sa lahat sa loob ng simbahan.
Hindi ito nauunawan ng lahat ng tao, dahil karamihan ng tao ay simple lang ang pananaw sa araw-araw na nangyayari. Ang mga taong ipinanganak sa Diyos, na namumuhay sa Espiritu, ang may hindi pangkarinawang pananaw para maunawaan kung paano kumikilos si Satanas at ang kanyang mga bitag.
Malinaw ang sinasabi ng Banal na Espiritu na sa mga huling araw tatalikod ang iba sa pananampalataya nila sa Dios. Susunod sila sa mga mapanlinlang na mga espiritu at itinuturo ng mga demonyo. Ang mga aral na itoʼy itinuturo ng mga taong mandaraya, sinungaling at walang konsensya. 1 Timoteo 4:1-2
Sinabi sa tekstong ito ng Bibliya na ang mga krisityano ay tatalikod sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga itinuturo ng mga demonyo, kaya dalawang punto ang dapat na i-highlight dito.
Una: “Pakikinig”. Ang pandaraya ay nagsisimula sa kung ano ang naririnig. Tulad sa Eden, nakipag-usap si satanas kay Eba, at pagkatapos na pagkatapos lamang na marinig ang mga salitang iyon, na inangkin ng babae ang ideya at ‘nang pinagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga ay parang masarap kainin.’
Tulad na ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig sa Salita ng Diyos, ang gawain ng masama ay nagmumula rin sa ating mga tainga.
Maging maingat tayo sa mga taong pinapakinggan natin at kung ano ang sinasabi nila.
Sigurado ka ba na ang taong pinapakinggan mo ay nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos? Kailangan nating malaman ito, dahil walang gitna, ang taong ito ba ay ginagamit ng Diyos o ng masama, alin lang sa dalawang ito.
Pangalawa: “Katuruan ng mga demonyo”. Ginagamit ni Satanas ang Bibliya para “ituro” ang Salita na kanyang binaluktot. At ginagawa niya ito sa pamamagitan ng mga tao na tila Diyos, pero mga ipokritong tao, “mga taong mandaraya, sinungaling at walang konsensya.”
Kaya, hindi tayo maaaring makinig sa kahit sino lang na nangangaral ng Bibliya. Sa mga huling araw marami ang mangangaral ng ibang “Hesus”, at ibang “ebanghelyo”, kung saan wala namang kinalaman sa totoong Kristiyanismo.
Ang masamang katuruan ay mapapansin sa mga bagay na madali o magaan na ginagawang maluwag ang daan at pintuan, kung saan ang sinasabi ng Panginoong Hesus ay kabaliktaran. Ang maling katuruan sa Banal na Kasulatan ay binabaluktot ang totoong kahulugan ng biyaya ng Diyos. Na para bang ang Diyos ay walang hinihinging kapalit para sa kaligtasan ng ating kaluluwa. Ang biyaya ng Diyos ay nagiging daan para tayo ay magkaroon ng tipan sa Kanya, na nagpapahiwatig na tinatalikuran na natin ang ating sariling kalooban at ibinibigay ang ating buong pagkatao sa Kanyang Altar nang may katapatan.
Ang masama ay may espesyal na mga utusan, at hindi sila ginagamit para linlangin ang mga hindi naniniwala dahil sila ay bulag na espiritwal. Ang pinakamasamang demonyo ay nagtatrabaho para ilayo ang mga anak ng Diyos sa kanilang pananampalataya.
Kaya, maraming tao tayong kilala na noo’y tapat at may takot sa Diyos na, nang pinakinggan nila ang masama, nadungisan ang kanilang konsensya at ngayon ay hindi na nila naririnig ang katotohanan na magpapalaya sa kanila. Nawala sila sa kanilang katinuan na kung saan walang anumang pangaral ang nakakapagbasag na kanilang puso.
Kaya, bantayan natin ang ating mga tainga, dahil maaaring buhay o kamatayan ang makapasok dito.
Bishop Domingos Siqueira
Comments