top of page

Tayo ang kaluwalhatian ng Diyos

At nakikita ng masama ang liwanag na ito...



Sinabi ng Panginoong Hesus:

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo...Mateo 5:14

Alam ng diyablo at napagmasdan niya nang mabuti ang kaluwalhatian ng Diyos sa langit tulad ng napapansin ngayon sa mga taong may liwanag ng Espiritu Santo. Ito ang dahilan kung bakit siya ay naiinggit at sinusubukang patayin ang mga taong naging kaluwalhatian ng Diyos sa mundo.


Nakikita ng masama ang liwanag na ito, ang kaluwalhatian ng Diyos sa loob natin, siya rin ay nagliliwanag noong siya pa ay naninirahan sa langit.


Subalit kung patay ang liwanag na ito, walang kwenta.


Ngayon, paano niya sinusubukang patayin ang liwanag na ito?


Sa pamamagitan ng pag-udyok sa taong ipagpalit ang kaluwalhatian ng Diyos sa kaluwalhatian ng mundo.


Pagkatapos, dinala pa siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok, at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kayamanan at kadakilaan ng mga ito. At sinabi ng diyablo kay Jesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung luluhod ka at sasamba sa akin.” Pero sinagot siya ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Dios at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ” Mateo 4:8 - 10

Hindi ipinagpalit ng Panginoog Hesus ang kaluwalhatian ng Diyos na nasa Kanya para lang sa inaalok sa kanya ng manunukso. Gayunpaman, maraming tao ang ipinagpalit at tumigil sa paglilingkod sa Diyos para pagsilbihan ang sarili, ang mundo at ang diyablo.


Balang araw ang mga taong nagpasya na magbigay at maging kaluwalhatian ng Diyos dito sa mundo ay ititipon sa kalangitan kung saan ang diyablo ay hindi makakapunta.


Pagkatapos, nakarinig ako ng parang napakaraming tao sa langit na nagsisigawan, “Purihin ang Panginoon! Purihin ang Dios nating makapangyarihan, dahil siya ang nagligtas sa atin! (Pahayag 19:1)

Pagpalain ng Diyos ang sinumang naniniwala!


Pastor Alessandro Silva

Comentarios


bottom of page